2 minero natagpuang naagnas na sa tunnel
MANILA, Philippines — Natagpuang naagnas na nitong Martes ang dalawang minero na may ilang araw ng nawawala matapos nakalanghap ng nakalalasong gas sa loob ng isang pribadong tunnel sa Camp 1000 sa Sitio Acupan,Brgy. Virac, Itogon, Benguet.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Benjie Gulod Ayang-ang, 33;at Ashford Jade Gayong Balic-o, 18.
Batay sa report ng Itogon Municipal Police Station (MPS),inireport sa pulisya ng mga residente ang masangsang na amoy na nagmumula sa nasabing pribadong tunnel nitong Disyembre 30.
Nagresponde ng mga tauhan ng pulisya na nagsagawa ng pagsasaliksik sa nasabing tunnel at dito ay natagpuan ang bangkay ng dalawang minero na nagsisimula ng maagnas.
Sa pahayag sa pulisya ng pamilya ng mga biktima ang dalawang biktima ay pumasok sa nasabing tunnel noong Disyembre 26 para magtrabaho umano sa isang pribadong minahan sa nasabing lugar.
Gayunman,nabigo nang makabalik ang mga biktima sa kanilang tahanan at sa inisyal na imbestigasyon ay nakalanghap ang mga ito nakalalasong gas na kanilang ikinasawi.
- Latest

















