Davao Occidental, niyanig ng 5.1m lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao Occidental kahapon alas-10:56 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 231 kilometro ng timog silangan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, ang ugat ng lindol ay tectonic at nagtala ng nasa 134 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol.
Bagamat wala pang naitatalang danyos sa naganap na lindol, sinabi ng Phivolcs na asahan na ang mga aftershocks kaugnay nang naganap na lindol.
- Latest

















