^

Probinsiya

Tindahan ng mga paputok: 11 sugatan

Ludy Bermudo, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang nasa kasagsagan sa pagsalubong ng Bagong Taon,isang tindahan ng paputok ang nasunog sa Sumulong Circumferential Road, Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Nasa 11 katao ang nasugatan,karamihan ay mga menor-de-edad bunga ng pagkataranta sa paglikas, kung saan may nagtamo ng laceration sa kamay, mga gasgas at may isang nag-hyperventilate dahil sa nerbyos.

Ayon kay SFO2 Jayar Viduya, naganap ang insidente alas-12:00 ng hatinggabi at naapula alas-12:30 ng madaling araw ng Enero 1, 2026, sa Sumulong Football field, isang open field na designated selling area ng mga tindahan ng paputok, sakop ng Barangay Dela Paz, malapit sa Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal.

 Patuloy pang iniimbestigahan ang nakalap na impormasyon ng mga otoridad hinggil sa pagsisindi umano ng isa sa retailer ng fireworks na aerial fountain na naging mitsa upang madamay ang lahat ng stocks na fireworks sa hilera ng mga stalls.

Nakunan ang pangyayari dahil nagkataon na marami ang nagbibidyu sa fireworks display, at biglang makitang halos sabay-sabay na sumabog ang iba’t-ibang uri ng fireworks mula sa mga stocks sa mga estante.

Nagkanya-kanyang takbuhan ang mga tao, at ilan sa kanila ang pumasok na lang ng walang paalam sa isang bahay upang makaiwas.

PAPUTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with