^

Probinsiya

Tricycle driver, patay sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Tricycle driver, patay sa ambush
Nakalugmok ang driver sa kanyang minamanehong tricycle matapos na pagbabarilin habang bumibiyahe sa kahabaan ng highway sa Sitio Malabuaya, Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato nitong Linggo ng umaga. (
John Unson

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver na kilalang aktibo sa pagsuporta sa kampanya ng kanilang local government laban sa illegal na droga ang nasawi nang ito ay pagbabarilin sa ganap na ambush sa highway sa Sitio Malabuaya, ­Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato nitong umaga ng Linggo.

Kinilala ang nasawing biktima na si Brocks Kasulutan Blaem, residente ng Barangay Bulod,Datu Montawal sa Maguinda­nao del Sur.

Sa inisyal na ulat ng mga otoridad na minamaneho ni Blaem ang kanyang tricycle na may kargang palay at mais, patungo sa poblacion nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.

Nang masigurong napatay ang biktima ay na mabilis tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung may kaugnayan ang pagpatay sa biktima sa pagiging aktibo nito laban sa illegal drugs sa kanilang lugar.

BULOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with