2 dedbol sa pamamaril sa Cavite
MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang naiulat na nasawi sa mag- kahiwalay na pamamaril sa dalawang lungsod ng Cavite nitong araw ng Pasko.
Ang unang insidente ay naganap, alas-9:30 ng gabi sa Brgy. Manggahan, Gen. Trias City habang ang tatlo ay nag-iinuman nang dumating ang isang motor sakay ang 2 lalaki.
Isa sa dalawang lalaki ang bumaba at nagtanong na agad nilapitan ni alyas “Jay”, nasa hustong gulang.
Habang nakikipag-usap ang mga ito ay dito na pinaulanan ng putok ang mga biktima.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si alyas “Ron”, nasa hustong gulang na nasawi agad habang sa dibdib naman si alyas “Rik”, kritikal ang kondisyon at sa kanang paa naman tinamaan si alyas “Jay”.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo.
Sa Brgy. Alapan 2-A, Imus City, Cavite, dakong alas-6:00 ng gabi ay pinagbabaril ang biktima na si alyas “Boy” habang natutulog sa loob ng barracks sa Brgy. Alapan 2-A, Imus City, Cavite.
- Latest
















