Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo
MANILA, Philippines — Nagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon sa Negros kahapon ng umaga batay sa latest monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, nagsimulang magluwa ng abo ang bulkan ganap na alas-6:27 ng umaga nitong Biyernes at patuloy pang nagluluwa ng abo ang bulkan mula sa summit crater nito.
Kaya’t pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residente malapit sa paligid ng bulkan na ugaliing mapagmasasid sa paligid para makaiwas sa epekto ng pag-aalboroto ng bulkan.
Ayon sa Phivolcs, mula pa noong nagdaang araw ng Lunes ay patuloy nang nakakapagtala ng multiple ash emission ang bulkan na nasa ilalim ng alert level 2.
- Latest


















