Ama kinatay ng junior na anak sa inuman!

MANILA, Philippines — Malungkot ang Pasko ng isang pamilya matapos nilang pinaglalamayan ang pagkamatay ng kanilang padre-de-pamilya na kinatay ng sariling anak habang nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mandoog, Lopez, Quezon nitong Lunes ng gabi.
Batay sa ulat, nangyari ang madugong insidente, dakong alas-11:30 ng gabi habang nag-iinuman ang mag-amang sina Alfredo Sr., 69-anyos, at Alfredo Jr., 37-anyos sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mandoog, sa Lopez, Quezon noong Lunes ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama sa hindi pa malamang kadahilanan.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, pinagtataga ni Alfredo Jr., ang kanyang ama na nagtangka pang tumakbo pero nasawi rin.
Nasugatan din si Jhea, 25-anyos, nangtangkain nitong awatin ang kapatid na suspek.
Agad namang nakapagresponde ang mga pulis sa lugar at inaresto ang nakababatang Alfredo na nahaharap ngayon sa mga kasong parricide at attempted homicide.
- Latest



















