^

Probinsiya

2 bata nasabugan ng paputok!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
2 bata nasabugan ng paputok!

BAGUIO CITY, Philippines — Nagtala ang Baguio City ng dalawang insidente ng pagkasugat ng dalawang menor-de-edad bunga ng paputok sa magkahiwalay na lugar sa lungsod nitong Disyembre 21 at 22, 2025, bago ang pagsalubong ng Pasko.

Base sa ulat mula sa Baguio City Health Services, nangyari ang unang insidente nitong Dec 21 sa Purok 5, Lower Dagsian kung saan isang 11-taong gulang na batang lalaki ang nasugatan nang masabugan ang kamay nito habang nagsisindi ng paputok na Five Star na patuloy na ipinagbabawal.

Agad isinugod ang totoy sa ospital na ayon sa doctor ay nagtamo ng pagkasunog sa kamay kabilang ang first-degree burn sa daliri.

Sa ikalawang insidente, isang 12-anyos na batang lalaki rin ang sugatan nang mahagip naman ng paputok na sumambulat sa daan sa Barangay Irisan. Nagtamo siya ng sunog sa kaliwang kamay at noo at nilapatan ng lunas sa ospital bago pinauwi sa bahay.

BAGUIO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with