^

Probinsiya

Autopsy at DNA ni Cabral, pinuna ng forensic experts

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Autopsy at DNA ni Cabral, pinuna ng forensic experts
Then Department of Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral attends the Senate Blue Ribbon Committee motu proprio hearing on flood control, Sept. 8, 2025.
Senate PRIB

TUBA, Benguet, Philippines — Patuloy na binabalot ng maraming mga katanu­ngan ang pagkahulog sa bangin sa Kennon Road sa Tuba, Benguet ni ­dating DPWH undersecretary Ma. Catalina Cabral.

Partikular sa mga opisyal na pahayag ukol sa autopsy at mga DNA procedure na ginamit upang kilalanin ang biktima, na nagdudulot ng pangamba sa kawastuhan at tamang forensic protocol.

Nauna nang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Jonvic Remulla na natukoy na umano sa pamamagitan ng autopsy na si Cabral ang natagpuang bangkay sa baba ng bangin sa Benguet. Ngunit iginiit ng mga forensic expert na ang autopsy ay hindi para sa pagtukoy ng pagkakakilanlan, kundi upang alamin ang sanhi at ­paraan ng pagkamatay.

Sinabi rin ni Remulla na may DNA sample na narekober sa crime scene, na aniya’y nakatulong sa pagkumpirma ng pagkakakilanlan ng biktima.

Gayunman, nilinaw ng isang government forensic expert na ang DNA na nakuha sa biktima lamang ay hindi sapat o konklusibo maliban kung ito ay i-cro-crossmatch sa mga DNA sample mula sa mga agarang kamag-anak, gaya ng mga anak ng biktima.

Sa kasalukuyan, wala pang ganitong crossmatching na naisagawa matapos ibunyag ng mga awtoridad na tumanggi ang mga anak ni Cabral na magsumite ng DNA samples, kaya’t hindi makapagbigay ng tiyak na kumpirmasyon ang mga forensic examiner sa pagkakakilanlan ng yumao sa pamamagitan ng genetic testing.

Sa mga imbestigas­yon sa pagkamatay, ang autopsy at DNA testing ay dalawang mahalaga ngunit magkaibang kasangkapan.

Ang autopsy ay isang post-mortem na medikal na pagsusuri na tumutukoy kung paano at bakit namatay ang isang tao.  Maaari nitong matukoy ang mga pinsala, mga umiiral na karamdaman, o ang presensya ng mga nakalalasong sangkap, at maaari ring makatulong sa pagtaya ng oras ng pagkamatay.

Ang DNA testing naman ay nakatuon lamang sa pagkakakilanlan. Karaniwan itong ginagamit upang kumpirmahin ang identidad ng mga hindi kilalang labi o upang iugnay ang biological na ebidensiya--tulad ng dugo o laway sa isang partikular na indibidwal. Hindi tinutukoy ng DNA analysis ang sanhi ng pagkamatay.

Binigyang-diin ng isa pang government DNA analyst na naka-destino sa isang PNP forensic unit: “Ang DNA examination ay nagbibigay ng napakataas na antas ng katumpakan sa pagtukoy ng pagkakakilanlan ng mga indibidwal, pag-uugnay ng mga suspek sa mga krimen, pagpapawalang-sala sa mga inosente, at pagtukoy sa mga biktima sa tulong ng mga reference sample mula sa mga magulang, kapatid, o anak gamit ang mga natatanging genetic marker mula sa mga biological sample.”

Dahil sa magkakasalungat na pahayag ng mga opisyal at hindi pa kumpletong forensic procedures, naghahanap ng malinaw na paliwanag ang publiko hinggil sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral.

Hangga’t hindi natatapos ang tamang DNA crossmatching o nakapagtatatag ng alternatibong paraan ng pagkakakilanlan, inaasahang magpapatuloy ang mga katanungan ukol sa kumpirmadong identidad ng biktima- at sa kabuuang integridad ng imbestigasyon.

CATALINA CABRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with