^

Probinsiya

Bus driver binaril sa ulo ng pasahero, todas!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bus driver binaril sa ulo ng pasahero, todas!
Kinilala ng Antipolo Component City Police Station (CCPS) ang biktima na si “Jefferson”, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Bagong Nayon, Antipolo City.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang isang dri­ver ng pampasaherong bus nang barilin sa ulo ng nagpanggap na pasahero, habang namamasada sa Antipolo City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng Antipolo Component City Police Station (CCPS) ang biktima na si “Jefferson”, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Bagong Nayon, Antipolo City.

Tumakas ang gunman matapos sumakay sa motorsiklong minamaneho ng isa pang lalaking nakasuot din ng itim na jacket na may hoodie.

Naganap ang krimen dakong alas-2:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Marcos Highway, malapit sa Kanto Padilla, sa Barangay San Isidro, Antipolo City.

Sa imbestigasyon, pumara ang gunman at sa pag-akyat sa bus ay nagtanong kung magkano ang pamasahe hanggang Cubao.

Nang sagutin ng dri­ver na “P88.00” ay mabilis na bumunot ng baril ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo ang driver.

Matapos ang pamamaril ay dali-daling bumaba ng bus ang gunman at sumakay umano sa naghihintay na kasab­wat na nagmamaneho ng get-away motorcycle.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy at madakip ang mga suspek at matukoy ang motibo sa pamamaslang.

CCPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with