^

Probinsiya

Notoryus na ‘tulak’ arestado sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines — Aabot sa ?1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu at isang ‘di lisensyadong baril ang nasamsam ng pulisya mula sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang search warrant operation sa Sitio Matungao, Barangay Madulao, Catanauan, Quezon, ka­makalawa ng umaga.

Base sa ulat na nakarating kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) PCol. Romulo Albacea, kinilala ang suspek sa alyas na “Boyet”, 40, may-asawa at residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 197 gramo ng hinihinalang ipinagbabawal na gamot, isang caliber .22 revolver, mga bala, at mahigit ?51,000 cash na pinaniniwalaang mula sa iligal na gawain.

Isinagawa ang operasyon ng QPDEU dakong alas-7:40 ng umaga katuwang ang iba pang unit ng pulisya sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court sa Lucena City.

Nasa kustodya na ng Catanauan Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with