5 drug pusher tiklo sa P455K shabu

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga otoridad ang limang katao na pawang mga bigtime drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad, kamakalawa ng gabi sa Imus City, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “John”; alyas “Sherry”, kapwa nasa High Value Individual list ng pulisya; alyas “Joel”; alyas “Carla”; at alyas “Nervie” pawang nasa Street Level Individual list naman ng pulisya.
Sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Ariel Red, nagkasa ng buy-bust ang kaniyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Lt Col. Chester Noel Borlongan, hepe ng Provincial Intelligence Unit ng isang buy-bust target ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang 6 na selyadong transparent plastic sachet na shabu na may timbang na 67 gramo sa halagang P455,600.00.
Nakumpiska din sa mga suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest






















