^

Probinsiya

5-anyos na babae, natagpuang patay sa creek

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 5-anyos na batang babae na hubo’t hubad ang natagpuang patay sa isang creek ng Brgy. Maugat, Tanauan City, Batangas nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ng Tanauan Police, dakong alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng bata na kinilala sa alyas “Angel”.

Sa salaysay ng ama ng biktima sa pulisya, Disyembre 16 dakong alas-6:00 ng gabi nang simulan nilang hanapin ang anak matapos na hindi ito umuwi sa kanilang bahay galing sa paglalaro.

Inabot na umano sila ng kinabukasan sa pag­hahanap subalit,hindi pa rin ito natagpuan hanggang makita ito sa nasabing lugar kinabukasan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen katulong ang SOCO kung saan isinailalim sa technical at forensic ang biktima at sinusuri rin kung ito ay may posibilidad na ginahasa bago pinatay.

TANAUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with