^

Probinsiya

2 lasing 2 lasing nagkapikunan: 1 tepok

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Patay ang isang lalaki makaraang saksakin sa tiyan ng kainuman nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kaypaaba, Gen. Aguinaldo, dito sa lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Arcanghel”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar habang ang suspek ay tinukoy lang sa alyas na “Victorino”, 33-anyos, residente din ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8 ng gabi, habang nag-iinuman at kapwa lasing na ang mga suspek nang bigla silang magkapikunan.

Sa galit ng suspek, dinampot nito ang patalim at sinaksak sa tiyan ang biktima.

Naitakbo sa pagamutan ang biktima subalit hindi na naisalba pa ng doktor ang buhay nito.

Naaresto naman ng mga rumes­pondeng pulis ang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay.

SUSPEK

VICTORINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with