Grade 11 student inatado ng saksak

COTABATO CITY, Philippines — Isang 19-anyos na grade 11 student ang natagpuang patay sa madamong lugar dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, sa Purok 4BKamakawan sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro City nitong umaga ng Miyerkules.
Sa ulat ng mga barangay officials at Cagayan de Oro City Police Office, natakatali ang mga kamay ng biktima ng pamamaslang na si Roylan Lopez, may walong saksak sa likod at dalawang saksak sa harap ng kanyang katawan.
Natagpuan ng mga barangay officials at mga pulis ang kanyang motorsiklo malapit sa kung saan siya nakitang nakahandusay at wala ng buhay.
Nagulat ang pamilya ng Lopez dahil kasama pa nila ang biktima sa Gaston Park sa Cagayan de Oro at nauna nang umalis.
Nagsagawa ng malalim na imbestigasyon ang mga otoridad.
- Latest



















