^

Probinsiya

27-anyos pekeng dentista sa Cagayan, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
27-anyos pekeng dentista sa Cagayan, arestado
Sa report ng Tuguegarao City Police, ang hindi pa pinangalanang suspect na nakakulong na ay inireklamo dahil sa pag-aalok ng dental services sa online sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa mga potensiyal na kliyente.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang 27-anyos na babaeng pekeng dentista sa isinagawang entrapment operation sa Tuguegarao City, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Tuguegarao City Police, ang hindi pa pinangalanang suspect na nakakulong na ay inireklamo dahil sa pag-aalok ng dental services sa online sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa mga potensiyal na kliyente.

Pero sa isinagawang beripikasyon ng pulisya, kinumpirma naman ng Philippine Dental Association (PDA) at Professional  Regulations Commission (PRC) na ang suspect ay hindi lisensiyadong dentista.

Ayon sa pulisya, nasakote ang suspect kamakailan matapos na isa nilang undercover agent ang magpanggap na kliyente.

Kasalukuyang inaasikaso ng suspect ang isang undercover agent sa ipinapagawa nito sa kaniyang ngipin na hudyat para arestuhin siya ng mga awtoridad.

Hindi na nakapalag ang suspect na nakumpiskahan ng mga dental paraphernalia at ang kaniyang mobile phone na gamit nito sa pakikipagkomunikasyon sa kaniyang mga kliyente.

Base pa sa imbestigasyon, ang suspect ay isang high school graduate at illegal na nagsasagawa ng dentistry sa loob ng 10 taon gamit ang mga equipment na binili lamang nito sa online.

PDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with