^

Probinsiya

2 babae nagulungan ng dump truck, lasog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LABO, Camarines Norte, Philippines — Kapwa nagkalasug-lasog ang katawan at agarang nasawi ang dalawang babae matapos na magulu­ngan ng kasalubong na dump truck sa kahabaan ng national highway ng Brgy.Talobatib, Labo, Camarines Norte ka­makalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na si alyas “Rosa”, 32-anyos at “Tina”, 42-anyos, parehong residente ng Purok-2, Brgy. Dalnac, Paracale.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng nakasagasang dump truck na si alyas “Gilbert” na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga habang binabagtas ng Yamaha Mio motorcycle ang kahabaan ng highway na minamaneho ni Rosa at angkas si Tina.

Gayunman, pagdating sa naturang lugar ay sinubukan ni Rosa na mag-overtake sa sinusundang sasakyan pero sumabit ang kanyang motorsiklo dahilan para sumemplang.

Tumilapon ang dalawa sa kabilang linya dahilan para masagasaan sila ng paparating namang Isuzu dump truck na agaran nilang ikinasawi.

ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with