^

Probinsiya

2 konsehal sa Maguindanao inambus, 1 todas

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines —  Isa ang patay at isang municipal councilor naman ang sugatan sa ambush sa Barangay Tuka sa Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Huwebes.

Kinumpirma nitong Biyernes nila Lt. Lou Christian Villones, Mamasapano municipal police chief, at ni Brig Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang agad na pagkasawi sa insidente ni Samsudin Manib sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa naturang pananambang.

Sugatan naman sa naturang ambush si Montasir Dimalido, isang incumbent municipal councilor sa hindi kalayuang bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.

Masuwerte namang nakaligtas sa ambush ang kanilang kasamang si Abdulmanap Biang na isa ring municipal councilor sa Sultan sa Barongis.

Kasama ni Dimalido sa kanyang minamanehong kulay silver na Toyota Innova sina Manib at Biang, pauwi na sa Sultan sa Barongis mula sa Cotabato City, ng sila ay tambangan ng mga armadong kalalakihan na nakaabang sa gilid ng highway sa Barangay Tuka.

Iniulat nitong Biyernes ni De Guzman na nagtutulungan ang mga local executives sa magkatabing mga bayan ng Mamasapano at Sultan sa Barongis at ang mga officials ng mga units ng PRO-BAR sa probinsya ng Maguindanao del Sur sa pagkilala sa mga responsable sa naturang ambush upang masampahan ng kaukulang mga kaso.

VILLONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with