^

Probinsiya

2 sundalo dedo sa bakbakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo ang nasawi nang makaengkuwentro ang grupo ng New People’s Army (NPA) noong Miyerkules, sa San Jose de Buan, Samar.

Sa ulat, nagsasagawa ng intelligence ope­rations ang militar sa Barangay Babaclayon nang makasagupa ng tropa ang mga rebelde mula sa Squad 3/Salibad, Yakal Platoon ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Agad na nagpalitan ng putok ang magkabilang panig at tinamaan ang dalawang sundalo na may ranggong technical sergeant at mula sa 81st Military Intelligence Company.

Agad namang dinala ang mga sundalo sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nagpahayag ng pakikiramay ang Philippine Army sa pamilyang naiwan ng dalawang sundalong nasawi.

NPA

SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with