^

Probinsiya

P20 bigas nasa Dipolog City na – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P20 bigas nasa Dipolog City na – DA
Inilalabas mula sa warehouse ng National Food Autho­rity sa Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya ang nasa 1,270 sako ng bigas na binili ng Office of Civil Defense-Caga­yan Valley para sa karagdagang relief operation ng pamahalaang local ng lalawigan para sa mga biktima ng bagyong si Uwan.
Victor Martin

MANILA, Philippines — Nagsimula nang maibenta ang P20 bigas sa Dipolog City makaraang pangunahan ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr ang pag­lulunsad sa “Benteng Bigas, Meron Na!” na flagship food initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa nationwide rollout ng programa at mabigyan ang 15 milyong Pinoy ng access sa murang bigas hanggang 2028.

Ang programa na pinangunahan ng DA ay naghahatid ng good-quality rice sa halagang P20 per kilo sa mga pamilya ng Dapitan, Dipolog at 25 bayan ng Zamboanga del Norte.

Pangunahing benepisyaryo ng programa ang indigent 4Ps households, senior citizens, PWDs, solo parents, farmers, fisherfolk, minimum wage earners at transport workers.

Nasa 10 kilong bigas kada buwan ang maa­aring mabiling murang bigas ng bawat household.

Ayon kay Secretary Tiu Laurel, ang inisyatibang ito ay activated na sa higit 424 sites nationwide para matiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa bawat pamilyang pinoy.

DIPOLOG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with