^

Probinsiya

Egyptian school admin itinumba sa Zamboanga!

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Egyptian school admin itinumba sa Zamboanga!
Zamboanga Map>
Google Maps

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang Egyptian national na opisyal ng isang pribadong paaralan nang barilin ng hindi pa kilalang salarin sa Zamboanga City nitong gabi ng Sabado.

Kinumpirma ng mga local executives at ng tanggapan ni Police Brigadier General Edwin Quilates, director ng Police Regional Office-9, ang pagkamatay ng biktima na kinilalang si Abdalrahman Elshawadfy Mohammed Elfaky, residente ng Matina Aplaya, Davao City.

Si Elfaky ay administrator ng Asia Academic School sa Barangay Tetuan ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Zamboanga City Police, minamaneho ni Elfaky ang kanyang kulay grey na Toyota Innova nang dikitan at tambangan ng armadong riding-in-tandem suspect pagsapit nito sa hangganan ng dalawang barangay sa Zamboanga City, ang magkalapit na Lumbangan at Divisoria, parehong residential area sa lungsod.

Patungo si Elfaky sa isang lugar sa Lumbangan nang tambangan ng mga ‘di kilalang suspek na mabilis na tumakas patungo sa ‘di batid na direksyon.

ACADEMIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with