^

Probinsiya

43 pamilya sa danger zone sa Isabela, bibigyan ng bahay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng National Housing Authority (NHA) ang pagtatayo sa 43 Single Attached House and Lot na pina­kabagong programang Pabahay ng ahensiya sa Ballesteros Resettlement Project sa Aurora, Isabela na inaasahang magiging permanenteng tirahan ng mga Isabelino na mula sa danger zones at mababang lugar ng nasabing bayan. 

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, binigyang-diin ni NHA Region 2/CAR 2 Officer-in-Charge Engr. Rofelie Balagat, ang kahalagahan ng sere­monya bilang bahagi ng pangako ng NHA sa pagbibigay ng makataong pabahay at pagtatayo ng mga maunlad na komunidad.

 “Ang okasyon pong ito ay nagpapatunay sa aming suporta at misyon upang maisakatuparan ang layunin ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program sa ilalim ng bisyon ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ma­bigyan ang ating mga kababayan ng disente, abot-kaya at ligtas na pabahay sa loob ng mga sustenableng komunidad,” ani ni Engr. Balagat.

Ang bawat housing unit ay mayroong lot size na 98 square meters at may floor area na 26 sq m para sa mga regular units. Mayroon ditong itinalagang unit para sa mga Persons With Disabilities (PWD) at magkakaroon ng mas pinalawak na sukat na aabot sa 30.4 sqm. Ito ay bilang isang hakbang para matulungan sila sa kanilang pangangaila­ngan sa mas malawak na espasyo at bilang suporta na rin ng NHA sa accessibility at inclusivity.

Ang proyekto ay bunga ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng NHA at ng Aurora-LGU, noong Setyembre 29, 2025. Ang programa ay ipinapatupad sa ilalim ng Resettlement Assistance Program for Local Government Units (RAP-LGU) ng ahensya.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with