^

Probinsiya

Beybi dinukot ng babaeng ‘nurse’ sa ospital

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Beybi dinukot ng babaeng ‘nurse’ sa ospital
Naluha sa galak ang ina nang maibalik sa kanya ang bagong silang niyang sanggol, 24 oras matapos ma-kidnap ng isang nagpanggap na nurse sa loob mismo ng ospital sa Koronadal City, South Cotabato nitong Linggo.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Isang bagong silang na sanggol ang dinukot ng isang nagpanggap na nurse sa loob mismo ng South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City nitong Linggo.

Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office 12, pumasok ang suspect na noon ay nakasuot pa ng medical service attire ng isang nurse sa isang ward ng South Cotabato Provincial Hospital at kinuha ang bagong silang na sanggol.

Sa salaysay ng ina ng sanggol, sinabihan sila ng suspek na isasailalim ang kanyang beybi sa isang hearing test sa isang silid sa ospital, gayunman, hindi na bumalik.

Lumalabas na ipinasok ng suspect ang sanggol sa isang malaking bag, kung kaya hindi napuna ng mga security guards sa ospital na dala na niya ito sa kanyang pagtakas.

Sa report naman ni P/Lt. Colonel Peter Pinalgan Jr., hepe ng Koronadal City Police, dakong alas-6 ng gabi o mahigit 24 oras na paghahanap, narekober ang sanggol sa loob ng ibang ospital sa Dr. Arturo Pingoy Medical Center sa Koronadal City habang karga-karga ng isang 25-anyos na babae, residente ng Lutayan, Sultan Kudarat na umano’y may postpartum depression.

Naibalik na rin nitong Lunes sa kanyang mga magulang ang bagong silang na sanggol na kinidnap ng nagkunwaring nurse na babae na nahaharap sa kasong kidnapping.

KORONADAL CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with