^

Probinsiya

Lalaking binaril ng welder, natagpuang patay

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaking binaril ng welder, natagpuang patay

CAVITE, Philippines — Patay na at nagsisimula nang maag­nas nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki na nabaril ng isang katiwalang welder matapos umanong pumasok ang una sa binabantayan nitong motorpool, may tatlong araw na ang nakalilipas sa Brgy. Conchu, Trece Martires City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima ng kinakasama nito na nag-report sa pagkawala ng huli may 3 araw na si alyas “Ryan”, 32-anyos, helper at residente ng Purok 1, Brgy. Gregorio, Trece Martires City, Cavite.

Bago ang insidente, Nobyembre 22 dakong alas-9:30 ng gabi noong Nobyembre 22 nang diumano’y mamataan ni alyas “Edward”, 47-anyos, stay-in welder sa Cavdeal Raw House sa Brgy. Conchu, ang isang lalaki na nakapasok sa loob ng binabantayan nitong lupain.

Sa salaysay ni Edward sa pulisya, kinompronta umano niya ang lalaki kung ano ang ginagawa sa lugar na nauwi sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot umano ng maik­sing baril ang lalaki at itinutok sa suspek.

Bunsod nito, nauwi diumano ito sa agawan ng baril hanggang sa maagaw ni Edward at pinaputukan nito ng dala­wang beses ang lalaki.

Nakatakbo pa umano ang lalaki kung kaya inakala ng suspek na hindi napuruhan at nakatakas pero matapos ang ilang araw ay natagpuang patay ang una na halos naagnas na sa loob din ng Cavdeal Compound motorpool na may tama ng dalawang bala sa dibdib.

Agad namang inamin ng suspek sa kanilang superior at security guard ng Cavdeal ang pangyayari dahilan upang samahan siyang sumuko sa sa Trece Martires Police.

Nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong pagpatay.

TRECE MARTIRES CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with