^

Probinsiya

8 pulis timbog sa rape ng Grade 9 student

Cristina Go Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
8 pulis timbog sa rape ng Grade 9 student
Masusing iniimbesti gahan ang walo sa 14 pulis na naaresto matapos ireklamo ng pang gagahasa sa Grade 9 student at pagnanakaw sa bahay na kanilang niraid sa Talaba 3, Bacoor City, Cavite nitong Nob 22.
Bacoor City Police

6 pa tugis

MANILA, Philippines — Walo sa 14 na pulis mula sa Calabarzon region ang inaresto matapos silang akusahan ng panggagahasa sa isang Grade 9 student na live streamer at pagnanakaw makaraan nilang salakayin ang isang bahay sa Bacoor City.

Walo sa 14 pulis ang nasa kustodya na ng Bacoor Police makaraang maaresto mismo sa kanilang istasyon na kinilalang sina PLt. Ram Rojun Pastor Maristela, PMSG Kristian Roxas Vega, PCpl. Marvin Jae Francisco Abella, PCpl. John Michael Salita Aga, PCpl. Ronnie Garcia Lising, Pat. Jimmer Domingo Vendiola, Pat Crisanto Baraquiel Gicoso at Pat. Jefferson Veloria Calma.

Pinaghahanap naman ang iba pa na sina PCpl. Jerome V Roxas,­ Pat. Alexander II B Verzosa, PCpl. Dondee Great C Olog, Pat. Edward D Tagadtad, Pat. Raymart Laciste at Pat. Richard M Saet, pawang nakatalaga sa Provincial Drug Enforcement Group Special Operations Unit (PDEG-SOU) 4A.

Nahaharap ang 14 pulis sa mga kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law, at Robbery in Band dahil sa reklamong panggagahasa sa babaeng 18-anyos na estudyante at pagnanakaw sa bahay nito na kanilang ni-raid sa Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, agad na nagsagawa ang Intelligence Section ng Bacoor Component City Police sa pangungu­na ni PCpt Herminigildo M. Soriano Jr. sa ilalim ng superbisyon ni Bacoor

Police Station chief PLt. Col Alexie Desamito, at iba pang operatiba ng RID, RHSU, at RMFB, ng pagsalakay sa Camp Vicente Lim sa Brgy. Mayapa, Calamba, Laguna; at tinungo ang Drug Enforcement Group, Special Operation Unit 4A kung saan nakatalaga ang mga pulis na suspek dakong alas-2 ng mada­ling araw kahapon na ikinaaresto ng walo sa 14 na inirereklamong pulis.

Isinagawa ang joint operation sa mismong kampo ng mga kabarong pulis makaraang magsampa ng reklamo ang biktima na si alyas “Nene” at kanyang pamilya, ng Talaba 3, Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon, nitong Nobyembre 22, 2025, dakong alas-7:45 ng umaga ay nagsagawa ng anti-drug ope­ration ang grupo ng mga suspek sa bahay ng biktima sa Bacoor City kung saan target umano nila ang isang “bigitime drug pusher” na nakatira sa nasabing bahay.

Gayunman, pagpasok sa bahay ng biktima, agad pinagkukuha ng mga pulis ang mahahalagang gamit at pera sa loob. Hindi pa nasiyahan, ginahasa pa diumano ng ilan sa mga suspek si Nene bago sila umalis.

Agad na nagreklamo sa Bacoor Police ang biktima at pamilya nito kung kaya nagkasa ng agarang follow-up operation sa PDEG-SOU 4A sa Camp Vicente Lim sa Brgy. Mayapa, Calamba, Laguna na ikinaaresto ng walo sa mga suspek at kinumpiska ang kanilang mga service firearms.

Narekober din sa mga suspek ang iPhone 13 na pag-aari ng biktima, Toyota Innova na may red plate number SHU704, isang yellow Mio i125 na walang plaka na pag-aari ng biktima, 2-transparent plastic sachet at isang nakabuhol na plastic na lamang 86 gramong shabu na nagkakahalaga ng P584,800, isang kulay pink wallet, dalawang plakang RGD9 at mga boodle money.

Isinagawa ang site inventory sa mga nakuhang ebidensya sa presensya ng ilang barangay officials.a

CALABARZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with