^

Probinsiya

3 treasure hunter patay sa gumuhong minahan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 treasure hunter patay sa gumuhong minahan!
Sa ulat ng Malalag Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dakong alas-10:24 ng umaga nitong Sabado nang unang marekober ng mga rescuers ang bangkay ng minerong si Glenn Eral Sasuman ng Digos City.
File photo

MANILA, Philippines — Nalibing nang buhay ang tatlong treasure hunter makaraang gumuho ang isang mining site sa Brgy. Ibo, Malalag, Davao del Sur nitong Sabado.

Sa ulat ng Malalag Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dakong alas-10:24 ng umaga nitong Sabado nang unang marekober ng mga rescuers ang bangkay ng minerong si Glenn Eral Sasuman ng Digos City.

Makalipas naman ang ilang oras, sumunod na nahugot ang bangkay mula sa pagkakatabon ng lupa ng isa pang biktima na si Simaco Quisaot, 63-anyos, ng Padada, Davao del Sur, at dakong ala-2 naman ng hapon nakita ang ikatlong bangkay na si Nario Otida ng Digos City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimulang magsagawa ng treasure hunting ang mga biktima nitong Nobyembre 11 sa pangunguna ng kontraktor na si alyas “Jerson”, 50, at may-ari ng lupa na si alyas “Juan”, 67-anyos sa nasabing lugar sa paniniwalang maraming bara ng ginto na nakabaon sa nasabing lupain.

Nabatid na ilang araw nang naghuhukay ang nasabing mga treasure hunter na umabot na sa 50 talampakan ang lalim ng nahuhukay hanggang sa bumigay ang lupa ng mining site at malibing ang tatlo nang buhay.

Sa isinagawang search and rescue ope­ration, nahirapan ang rescue team na makuha ang bangkay ng mga biktima sa kinalibingan nila hanggang sa ganap silang maiahon nitong Sabado.

HUNTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with