Resto owner tinodas ng customer

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang negosyante nang hindi pa nakikilalang gunman na nagkunwang kustomer habang ang una ay nakaupo sa loob ng kanyang restaurant sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya Quezon, kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat na nakarating kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang biktima na si alyas “Rosidillo”, 58, residente sa Sitio Balete ng nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng gabi ay nakaupo sa loob ng kanyang restaurant ang biktima nang dumating ang suspek at umupo saka umorder ng pagkain.
Ilang sandali lang ay bigla itong tumayo at nilapitan ang biktima at makailang beses na pinaulanan ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.
Naglakad lamang na papatakas ang suspek nang makitang duguang bumulagta ang biktima.
Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya para tugisin ang killer.
- Latest
















