^

Probinsiya

P3.7 bilyong pinsala iniwan ni ‘Uwan’ sa Albay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

POLANGUI, Albay, Philippines — Nakapanlulumo ang sinapit ng mga bayan at lunsod sa pangatlong distrito ng Albay na itinuturing na rice granary ng lalawigan at isa sa rice producing area ng Bicol Region matapos na bayuhin ng malakas na hangin at ulan sa ilalim ng signal no. 4 ng super typhoon “Uwan” at mag-iwan ng tinatayang P3.7 bilyong pinsala sa agrikultura at imprastruktura.

Sa ulat na ipinarating sa Office of Civil Defense (OCD) at Department of Public Works and Highways (DPWH), umabot sa halos P2.8 bilyon ang halaga ng nasirang mga flood control system at road networks sa buong distrito; P400-milyon ang naitalang danyos ng mga magsasaka dahil sa pagkasira ng kanilang mga pananim mula sa 8-libong ektaryang sakahan; habang tinatayang P510-milyon ang halaga ng nasirang mga bahay, gusali, at economic disruptions sa lugar.

Kinumpirma ni 3rd District Cong. Raymond Adrian Salceda na ang una nang napuruhan ng bagyong Kristine noong 2024 na mga flood control structures ay tuluyan nang nawasak ngayon dahil sa pagbayo ni Uwan.

Ang gumuhong mga flood control structures ay ang Centro at Gabon dikes sa bayan ng Po­langui; ang Bobonsuran, Malama, at Paclas flood control structures sa Ligao City; Carisac dike sa Libon; San Francisco dike sa Guinobatan; pagkasira ng embankment sa Ubaliw-Talongog, at Ilaor Norte-Busac sa bayan ng Oas.

BICOL REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with