Siklista todas sa ‘hit and run’
CAVITE, Philippines — Patay ang isang lalaki makaraang mabiktima ng “hit and run” habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Jose Abad Santos sa Brgy. Salitran IV, Dasmariñas City, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Jessie,” nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Sto. Cristo, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, alas-4:20 ng madaling araw habang nagbibisikleta ang biktima sa nasabing lugar nang isang sasakyan na tinukoy na isang klase ng Toyota ang namataan na nakahagip sa biktima.
Inararo umano nito ang biktima bago tuluy-tuloy na tumakas ang nakabundol na driver.
Ayon sa saksi, isang kotseng Toyota na may plakang NGA 1057 ang ‘di umanoy nakasagasa sa biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang patukoy ang responsable sa krimen.
- Latest
















