^

Probinsiya

600,000 katao sa Bicol nagsilikas kay ‘Uwan’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tinatayang aabot sa 600-libong mga residente sa buong Albay na nasa banta ng ibat-ibang peligro ang lumikas at karamihan ay dinala sa mga evacuation centers dahil sa paparating na malakas na bagyong “Uwan”.

Ayon kay Roderick Mendoza, hepe ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office at operation officer ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council inuna nilang pinalikas agad ay ang mga residente sa paanan ng bulkan Mayon na nasa banta nang pagragasa ng lahar. Mismong ang Phivolcs-Manila umano ang tumawag sa kanya at nagbigay babala hinggil sa malaking peligro sa pagragasa ng lahar sa paligid ng bulkan lalo na ang libu-libong residente sa mga barangay sa bayan ng Guinobatan.

Inilikas din ang mga nasa banta ng daluyong lalo na at karamihan ng bayan at lunsod sa lalawigan ay nasa tabi ng dagat. Maging ang mga nasa peligro ng baha, flashfloods at landslides ay inilikas upang mamantini ng Albay ang zero casualty goal.

Alas-3 ng hapon pa lang kahapon ay umabot na sa mahigit 300-libo katao ang nadala sa ibat ibang evacuation centers habang marami rin ang nakituloy sa mga kamag-anak na nasa mga ligtas na lugar.

Sa atas ni Gov. Noel Rosal ay nag-withdraw na muna ang lahat ng LGUs ng inisyal na tig-100 sako ng bigas mula sa National Food Authority para sa panga­ngailangan sa pagkain ng mga evacuees.

Sa kabila naman ng ginawang pagbabawal simula noong Biyernes sa land travel ng LTO 5 sa lahat ng mga sasak­yang papasok sa Bicol na patawid ng mga islang lalawigan ng Catanduanes, Masbate, Visayas at Mindanao Regions ay umabot pa sa 2,169 katao at 1,106 rolling cargoes ang stranded mula alas-5:30 ng hapon, kahapon.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard District Bicol, pinakamarami na may stranded ang Matnog Port na umabot sa 1,427 pasahero at 719 rolling cargoes.

MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with