Quezon PPO full alert sa pananalasa ni ‘Uwan’
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines —Nakahanda na ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Romulo Albacea, Acting Provincial Director, para sa posibleng deployment bilang Search and Rescue (SAR) Teams kaugnay ng inaasahang pananalasa at epekto ng Bagyong Uwan.
Layunin ng isinagawang accounting kahapon ng umaga, na matiyak ang kahandaan ng mga tauhan, sasakyan, at mga kagamitan para sa agarang pagtugon sa mga insidente dulot ng masamang panahon.
Patuloy na naka-full alert ang QPPO at handang magbigay ng tulong sa mga lokal na pamahalaan at komunidad na maaaring maapektuhan ng bagyo, alinsunod sa direktiba ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at sa mandato ng PNP Disaster Response Operations.
Nagsagawa na ng mas pinaigting na hakbang ang PDRRMO bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Uwan.
Upang matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng buong lalawigan, pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kahapon.
- Latest




















