^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: 1 patay, 20 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Bus hulog sa bangin: 1 patay, 20 sugatan
Map of Quezon.
Wikipedia photo

CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines — Nahulog sa bangin ang isang passenger bus makaraang mabangga nito ang naglalakad lamang na dalawang menor-de-edad na lalaki na ikinasawi ng isa habang 20 pa ang sugatan kabilang ang driver sa trahedya kamakalawa ng gabi sa diversion road ng Barangay Villa Arcaya, Gamaca, Quezon.

Batay sa ulat na nakarating kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea mula sa Gumaca Municipal Police Station, pasado alas-9:00 ng gabi nang mawalan umano ng preno ang Bobis Liner bus habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada habang patungong Maynila.

Dito, nasagasaan ng bus ang dalawang menor-de-edad na naglalakad lamang sa gilid ng kalsada. Isa sa mga biktima si Joshua Verdan Lopez, 17, na residente ng Barangay Inagbuhan Ilaya, Gumaca na nasawi noon din samantalang ang pinsan nitong si Ivan, 16-anyos ay sugatan at kasalukuyang ginagamot sa Gumaca District Hospital.

Kabilang din sa mga nasugatan ang 19 na pasahero ng bus.

Sa ulat, nasa 19 katao ang sakay ng bus, kabilang ang dalawang driver at isang konduktor.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Arnel Brotamonte, 44-anyos, residente ng Tabaco, Albay ang bus at bumulusok ito sa bangin na may lalim na 20 metro makaraang masagasaan ang magpinsang biktima dakong alas-9:00 ng gabi.

Mabilis na rumes­ponde ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Gumaca, KALASAG Rescue Team at mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office  (MDRRMO) upang maisugod ang mga biktima sa Gumaca District Hospital.

KALASAG

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with