Rider sumalpok sa poste, tepok!
MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang bumangga sa konkretong poste ang minamanehong motorsiklo sa Antipolo City, Rizal noong Huwebes.
Inaalam pa ang pagkilanlan ng biktima dahil sa anumang identification card, sa pamamagitan ng beripikasyon o pagtungo sa may-ari ng motorsiklo, batay sa nakuhang Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR) at Deed of Sale ng sangkot na Suzuki Raider 150.
Batay sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Ortigas Extension, malapit sa Alta Vista Subdivision sa Brgy., Dela Paz, Antipolo City. Sinasabing mabilis ang takbo ng motorsiklo sa Ortigas Extension, patungong Taytay, nang pagsapit sa pakurbada at pababang bahagi ng kalsada ay nag-overshoot ito at bumangga sa konkretong poste.
Tumilapon ang biktima na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
Idineklarang dead-on-arrival ang biktima sa Rizal Provincial Hospital Annex II.
- Latest





















