^

Probinsiya

Karnaper nalaglag sa tinangay na motor, tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ang lalaking angkas matapos na malaglag habang itinatakas ang tinangay na motorsiklo nang sila ay hinahabol ng mga otoridad, kamakalawa sa Brgy. Sa Jose, Tagaytay City, Cavite.

Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng naarestong suspek na kinilala sa alyas “Jeffrey”, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Tagaytay Police, alas-2:30 ng madaling araw nang karnapin ni Jeffrey kasama ang isa pa ang motorsiklo ng biktima na kinilala si alyas Jervie, nasa hustong gulang.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, papauwi na umano ito ng harangin ng mga suspek at tinutukan ng patalim at tinangay ang motor nito .

Nagtatakbo ang biktima upang humingi ng tulong at natiyempuhan nito ang mga nagpapatrulyang pulisya kaya’t nagkaroon ng habulan at ng makorner ang mga suspek sa malapit sa palengke ay nalaglag ang angkas na si Jeffrey dahil  upang siya ay maaresto ito.

Habang nakatakas naman ang kasamahan nito tangay pa ang motor ng biktima.

KARNAPER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with