^

Probinsiya

Voter registration sa Eastern Visayas, sinuspinde ng Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na isinasagawa nila sa Eastern Visayas, bunsod nang pananalasa ng bagyong Tino sa rehiyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, una nilang sinuspinde ang voter registration sa Tacloban City ngunit malaunan ay nagpasya silang suspindihin na rin ito sa buong Region VIII.

Sa ngayon aniya ay nagsasagawa na ang mga local poll offices ng imbentaryo at nag-iinspeksiyon upang matukoy kung may mga nasirang kagamitan ang Comelec sa lugar dahil sa bagyo.

Paniniguro naman ni Garcia, kaagad nilang ipagpapatuloy ang voter registration kapag nai­deklara ng ligtas ang mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ang voter registration sa bansa para sa 2026 BSKE ay sinimulan noong Oktubre 20, 2025 at magpapatuloy hanggang sa Mayo 18, 2026.

BSKE

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with