^

Probinsiya

Dating komunista sumuko sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

CAMP GENERAL ALEJO S SANTOS, Lungsod ng Malolos, Philippines — Isang dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad kamakalawa ng hapon sa tanggapan ng 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) sa siyudad ng Malolos.

Ayon sa ulat ni PMAJ Norheda Usman, Acting Force Commander ng 1st PMFC, kinilala ang sumukong indibidwal na si alyas “Ka Noly,” 48 taong gulang, binata, mekaniko, at residente ng Brgy. Sta. Ana, Bulakan, Bulacan.

Si “Ka Noly” ay dating miyembro at tagasuporta ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na nag-o-operate sa mga baybaying lugar ng Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales.

Bago ang kanyang pagsuko, nakipag-ugnayan umano si “Ka Noly” sa mga tauhan ng 3rd Platoon ng 1st PMFC upang ipahayag ang kanyang kagustuhang muling manumpa ng katapatan sa pamahalaan at isuko ang hindi lisensyadong baril na kanyang pagmamay-ari.

Matapos mapatunayan ang mga impormasyon, isinagawa ang koordinadong operasyon ng mga tauhan ng 1st PMFC, katuwang ang Malolos City Police Station, Bulacan Police Intelligence Unit, 301st Maneuver Company, RMFB 3, at 70th Infantry Battalion ng Philippine Army, na nagresulta sa matagumpay na pagsuko ng nasabing dating rebelde kasama ang isang (1) caliber .38 revolver na walang serial number at tatlong (3) bala.

TERRORIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with