^

Probinsiya

Driver nakatulog, truck salpok sa steel barrier

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Driver nakatulog, truck salpok sa steel barrier
Sa ulat na natanggap ni Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., Central Luzon Regional Police Director, mula kay PCol. Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan, ang driver ay kinilalang si “Jefferson” residente ng P-2 San Juan, Aborlan, Palawan at ang trak ay isang puting Isuzu tractor na may plate number CAP 7608.
STAR/ File

CAMP OLIVAS, Pampanga , Philippines — Nakatulog ang isang truck driver habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan at bumangga sa steel barrier at dalawang poste ng ilaw sa Balagtas, Bulacan ng madaling araw ng Araw ng mga Patay.

Sa ulat na natanggap ni Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., Central Luzon Regional Police Director, mula kay PCol. Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan, ang driver ay kinilalang si “Jefferson” residente ng P-2 San Juan, Aborlan, Palawan at ang trak ay isang puting Isuzu tractor na may plate number CAP 7608.

Sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap bandang ala-1:10 ng umaga along Manila North Road malapit sa Balagtas Town Center sa Barangay Wawa, Balagtas, Bulacan.

Sa pagsisiyasat, napag-alaman na ang drayber ay nakatulog, sa kabutihang-palad ang trak ay nag-crash sa isang steel barrier ng highway at sa dalawang kongkretong light pole at pinigilan ito mula sa pag-araro sa ilang mga establisimiyento sa kahabaan ng gilid ng highway.

Ayon kay Maj. Mark Anthony San Pedro, Balagtas Police Chief, ang driver ng trak ay hindi na inaresto matapos makipag-ayos  para sa pagkumpuni sa mga pinsala na sanhi ng aksidente at nagkaroon ng amicable settlement sa pamamagitan ng isang kinatawan ng lokal na unit ng pamahalaan ng Balagtas.

PONCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with