^

Probinsiya

Parak, 3 ‘gunrunner’ todas sa shootout!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Parak, 3 ‘gunrunner’ todas sa shootout!
Agad nai-airlift sa Maguindanao del Norte mula Sulu ang bangkay ng pulis na si Cpl. Albasir Lumalag na kabilang sa apat na napaslang sa engkuwentro sa Brgy. Bato-Bato, Indanan, Sulu nitong Huwebes.
ohn Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang miyembro PNP-Special Action Force (SAF) at tatlong hinihinalang gunrunner kabilang ang kanilang lider matapos na mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng search warrant ng awtoridad dahil sa pagtatago ng mga armas, eksplosibo at droga ng mga suspek sa kanilang hideout sa Barangay Bato-Bato sa Indanan, Sulu madaling araw nitong Huwebes.

Kinumpirma ng mga officials ng Sulu Provincial Police Office at ng Police Regional Office-9 ang pagkasawi sa engkuwentro ni Police Corporal
Albasir Lauban Lumalag, kasapi ng SAF unit na nasa operational control ng director ng PRO-9 na si Brig. Gen. Eleazar Matta, at residente ng Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pahayag ng mga miyembro ng ng Sulu Provincial Peace and Order Council at mga local executives sa probinsya, tatlong criminal na target sa operasyon ang napaslang sa engkuwentro kabilang ang criminal

gang leader na si Alnaib Sahiddan Daud, kilala umanong dealer ng shabu at marijuana at maraming mga baril, at ang kanyang dalawang kasamahan na hindi tinukoy ang mga pagkakakilanlan.

Isa pang SAF member na si si Patrolman Felix Ruado, ang sugatan sa insidente na agad namang naisugod sa Sulu Provincial Hospital sa hindi kalayuang bayan ng Jolo upang malapatan ng lunas.

Ayon kay Matta at iba pang mga PRO-9 officials, ililipat sa isang mas modernong pagamutan sa Zamboanga City ang sugatang SAF member.

Agad na na-airlift sa Maguindanao del Norte ang mga labi ni Lumalag na inilibing din agad ng kanyang mga kamag-anak sa Datu Odin Sinsuat ayon sa tradisyong Islam kung saan dapat na mailibing ng maayos ang patay sa loob lang ng 24 oras mula pagpanaw nito.

Narekober sa tabi ng bangkay ng mga nasa­wing suspek ang isang M16 rifle, M14 rifle, .45 caliber pistol at mga eksplosibo.

SAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with