^

Probinsiya

‘White Lady’ nagpapakita sa Tipo Tunnel

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
‘White Lady’ nagpapakita sa Tipo Tunnel
Ilang mga motorista ang nagpatunay na totoo umano ang kuwento ng “white lady” sa Tipo Tunnel. Ang white lady ay inilarawan na nakasuot ng mahabang kulay puti na damit, maputi ang mukha, naglalangis ang buhok, namumula at nanlilisik ang mga mata.
NLEX Photo

Undas 2025 special report

MANILA, Philippines — Ngayong paggunita ng Araw ng mga Patay at Kaluluwa ng ating mga yumaong mahal sa buhay, hindi maiiwasan na muling mabuhay ang mga nakakakilabot na mga kuwento ng katatakutan tulad na lamang ng pagpapakita ng “misteryosong babae” sa Tipo Tunnel sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) sa Olongapo City.

Ilang mga motorista ang nagpatunay na totoo umano ang kuwento ng “white lady” sa Tipo Tunnel. Ang white lady ay inilarawan na nakasuot ng mahabang kulay puti na damit, maputi ang mukha, naglalangis ang buhok, namumula at nanlilisik ang mga mata.

Isang lady driver ang nagpapatotoo sa sinasabing white lady nang dumaan siya mismo sa Tipo Tunnel pasado alas-dose ng hatinggabi nang bigla umanong may parang tumawid na tao sa harapan ng kanyang kotse kaya pansamantala siyang huminto upang usisain ang tumawid subalit wala namang tao at mag-isa lamang siya sa nabanggit na tunnel.

Nang bumalik ang babaeng driver sa kanyang kotse ay gayun na lamang ang paninindig ng kanyang balahibo dahil nasa likuran na ng upuan ng kanyang kotse ang isang babaeng nakaputi at nakatingin sa kanya.

Mabilis na pumikit at nagdasal ang ginang at ng kanyang imulat ang mga mata ay wala na ang babaeng nakakatakot saka dali-dali siyang umalis sa lugar.

Makalipas ang ilang araw, ibinenta na umano ng ginang ang kanyang kotse.

Isa pang makapanindig balahibo ang naranasan naman ni “Elmer”, habang papalapit umano sa naturang tunnel ay napansin nito na medyo bumigat ang minamanehong kotse.

Dala ng kuryosidad ay inihinto muna ni Elmer ang kanyang sasakyan at hindi nito maipaliwanag ang panlalamig at paninindig ng kanyang balahibo nang maramdaman na hindi siya nag-iisa sa minamanehong kotse.

Kasama nito sa loob ang isang babae na nababalutan ng buhok ang mukha at nakasuot ng kulay puting mahabang damit.

Napapikit na lamang umano si Elmer at sunod na nagdasal hanggang sa mawala na ang babae sa loob ng kanyang kotse at magmula noon ay iniwasan na niyang dumaan sa Tipo Tunnel

Dahil sa mga nakakatakot na kuwento, ilang paranormal expert na rin ang sumuri sa Tipo Tunnel.

Ayon sa kanila hindi dapat umano katakutan ang sinasabing kaluluwa ng white lady na nagpapakita sa mga motorista dahil humihingi lamang siya ng katarungan kaugnay sa kanyang pagkamatay.

Sa halip ay dapat umano siyang bigyan ng taimtim na panalangin.

Sa kabila ng mga kuwentong kababalaghan, bahala na kayong mag-isip kung may katotohanan man ang pagpapakita ng nakakatakot na white lady sa mga motorista o kung ito ay kathang isip lamang.

Pinapayuhan na lang ang mga motorista na huwag natin kalimutang bumusina sa tuwing dadaan sa Tipo Tunnel lalo na sa gabi bilang pagpapasintabi umano sa kaluluwang nakatira roon na hanggang sa ngayon ay sinasabing patuloy na naghahanap ng katarungan.

ELMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with