^

Probinsiya

Lolo na ‘pusher’, arestado sa sementeryo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines — Habang abala ang publiko sa paglilinis ng puntod ng mga namayapang mahal sa buhay, abala naman sa pagbebenta ng iligal na droga ang isang lolo na kabilang sa talaan bilang notoryus na tulak at kaibigan nito, gayunman ay agad silang nalambat sa buy-bust operation sa mismong municipal cemetery na nasa Baerangay Miswa, Infanta, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, bukod sa 35.70 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P242,760, nakumpiskahan din ng Magnum. 357 revolver na may kasamang tatlong bala, isang pirasong P1,000 marked money, drug paraphernalia at isang Rusi motorcycle ang mga suspek na sina Lolo Rolando, 63, may asawa, driver ng Barangay Bacong, Infanta, Quezon at Jojo, 45, ng Barangay Kiloloron, Real, Quezon.

Isinagawa ng mga operatiba ng Infanta Drug Enforcement Unit ang anti-drug operation laban sa mga suspek dakong alas-4:45 ng madaling araw makaraang makatanggap ng impormasyon na sa sementeryo umano sila nagsasagawa ng iligal na aktibidad. 

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with