Dawlah Islamiyah terrorist bomb maker, timbog
MANILA, Philippines — Umiskor ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) kasunod nang pagkakabitag sa isang pinaghihinalaang notoryus na Dawlah Islamiyah (DI) terrorist bomb maker sa isinagawang operasyon sa Brgy. Ligao, Palimbang, Sultan Kudarat, ayon sa ulat.
Pansamantala hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan sa nasabing DI bomb maker habang patuloy pa ang dragnet operation laban sa iba pa nitong mga kasamahan.
Sa report ng SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato Cit, Sultan Kudarat at General Santos City) Provincial Police Office (PPO), nasakote ang kilabot na bomb maker nitong Martes ng gabi sa nasabing lugar.
Inaresto ang suspect sa bisa ng warrant of arrest sa kasong multiple attempted murder, destructive arson at paglabag sa Republic Act No. 11479 o ang Anti-Terrorism ACT na inisyu ni Judge Annabelle Piang ng Regional Trial Court (RTC) Branch 13 sa lungsod ng Cotabato.
- Latest




















