^

Probinsiya

2 babae tinawag sa labas ng bahay saka tinodas!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 babae tinawag sa labas ng bahay saka tinodas!
Map of Albay with Tabaco highlighted
Wikipedia photo

TABACO CITY, Albay, Philippines — Kapwa patay na bumulagta sa labas ng kanilang bahay ang dalawang babae matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek sa Purok-5, Brgy. San Roque, Tabaco City, Albay noong Martes ng gabi.

Parehong napuruhan ng punglo sa ulo at agad nasawi ang mga biktima na kinilalang sina Lorna, 30-anyos, may-asawa at Nerlyn, 35-anyos, dalaga, kapwa residente ng naturang lugar.

Nakilala naman ang gunman na si alyas “Norman” habang pinaniniwalaang may isa pang kasama ito na agarang tumakas makaraan ang pamamaril.

Ayon sa ilang saksi, pasado alas-9 ng gabi, nagpunta ang suspek sa bahay ng mga biktima at pagtapat nito ay tinawag ang dalawa.

Gayunman, paglabas ng bahay ng mga biktima ay biglang bumunot ng baril si Norman at walang kaabog-abog na pinutukan nang malapitan ang dalawa na kapwa tinamaan ng punglo sa ulo dahilan ng kanilang agarang pagkasawi.

Sa panayam kay Lt. Col. Edmundo Cerillo Jr., hepe ng Tabaco City Police Station, bagama’t limitado ang inilabas na impormasyon pero tinitingnan nilang malakas na motibo sa pamamaril ay ang hinggil sa droga.

ALBAY

TABACO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with