^

Probinsiya

Pagsusuot ng face mask sa Quezon, mandatory na

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa mga nakahahawang sakit

LUCENA CITY, Philippines — Mandatory na ang pagsusuot ng face mask sa mga residente ng lalawigan ng Quezon. Alinsunod sa Exe­cutive Order No. DHT-60 ni Governor Helen Tan dahil ito sa pagtaas ng mga kaso ng nakahahawang sakit tulad ng sipon, ubo, at maging ang influenza like illness at severe respiratory infections katulad ng community acquired pneumonia.

Nakasaad rito ang mahigpit na kautusan sa pagsusuot ng face mask sa lahat ng indoor settings, gayundin sa mga outdoor areas kung saan hindi nasusunod ang physical distancing.

Samantala, bilang pag-iingat sa patuloy na pagkalat ng flu at pneumonia sa lalawigan ng Quezon, suspendido muli ang Face-to-Face classes sa lahat ng antas (Public and Private) sa lungsod ng Lucena sa October 20-22, 2025, batay sa inilabas na direktiba ni Mayor Mark Alcala. 

Patuloy na nagpapaalala si Gov. Tan sa publiko na regular na maghugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong kapag babahing o uubo, at dapat na may sapat na tulog, kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig.

Para naman sa mga nakakaramdam ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan at katawan, dapat umanong manatili sa bahay para hindi makahawa, uminom ng gamot gaya ng paracetamol para sa lagnat at komunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na health center.

FACE MASK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with