^

Probinsiya

Roxas City isinailalim sa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim sa state of calamity ang Roxas City, Capiz bunga ng matinding mga pag-ulan na nagdulot ng flash floods na epekto ng paghagupit ng bagyong Ramil, ayon sa ulat nitong Lunes.

Ang pagdedeklara ng state of calamity ay alinsunod sa pinagtibay na Resolution No. 263-2025 ng Sangguniang Panlungsod sa isinagawang special session base sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Ayon sa Roxas City Council, ang malalakas na pag-ulan ay nagdulot ng flash flood na nagresulta sa paglikas ng mga residente, pagkasawi ng ilang buhay, pagkasira ng ari-arian, mga pananim, iba pang kabuhayan ng mga residente at maging ng mga imprastraktura sa lugar.

Sa pamamagitan ng paglalagay sa state of calamity ay magagamit ng pamahalaang lungsod ang kanilang Quick Response Fund para sa relief and rehabilitation sa lungsod.

Ang matinding pagbaha sa lungsod ay nagdulot ng paglikas ng nasa 7,500 residente habang isa namang 44-anyos na mister ang nasawi at tatlo naman ang nasugatan sa kalamidad. Samantalang nasa 830 pamilya naman o kabuuang 2,773 katao ang naapektuhan ng pagbaha kung saan halos lahat ng barangay ang apektado sa lungsod.

CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with