^

Probinsiya

Vlogger nadulas habang tumatawid sa sapa, dedo!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vlogger nadulas habang tumatawid sa sapa, dedo!
This satellite photo shows Capiz province
Google Maps.

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng isang 23- anyos na vlogger ang pagtawid nito sa sapa matapos na malunod sa Brgy. Malocloc Sur, Ivisan, Capiz sa kasagsagan ng pag-ulan at mataas na tubig baha dulot ng bagyong Ramil nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Mae Urdelas, kilala sa “Ka lovers vlog’ at isa ring empleyado sa canteen ng isang eskuwelahan sa kanilang lugar.

Sa ulat ng Capiz Police, nangyari ang insidente sa nabanggit na lugar bandang alas-5 ng hapon.

Ayon sa pahayag sa pulisya ni Malocloc Sur Brgy. Captain Allan delos Santos, si Urdelas ay pauwi na sa kanilang tahanan at tumatawid sa sapa kasama ang kapatid nitong lalaki at bayaw nang madulas ang biktima at mahulog sa tubig.

Dahil sa malakas na agos ng tubig baha ay tinangay ang biktima na nabigong masagip ng kaniyang dalawang kasama dahil sa bilis ng pangyayari.

Agad naman silang humingi ng saklolo sa mga residente at mga opisyal ng barangay sa lugar upang hanapin ang biktima at makalipas ang tatlong oras ay bangkay itong lumutang, may isang kilometro ang layo mula sa lugar kung saan siya nadulas.

Kaugnay nito, pina­yuhan ng mga awtoridad ang mga residente na iwasan ang pagtawid sa ilog at sapa tuwing malalakas ang ulan at maging alerto sa mga pagbaha habang patuloy na nakakaapekto ang bagyong Ramil sa rehiyon.

CAPIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with