Pintor hulog sa 5th floor, sumabit
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sugatan man pero himalang nakaligtas at nasa mabuti nang kalagayan ang isang pintor matapos mahulog mula sa ikalimang palapag ng isang gusali at lumagpak sa sementadong kalye ng Magallanes Street, Brgy.Oro Site, dito sa lungsod kamakalawa ng umaga.
Patuloy na nagpapagaling sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa mga sugat at bugbog ang katawang tinamo ng biktima na kinilalang si Clark, 50-anyos, residente ng Brgy. San Roque, Legazpi City.
Sa ulat, pasado alas-9 ng umaga nagpipintura ang biktima sa ika-5 palapag ng gusali na walang safety harness nang aksidente itong nalaglag. Gayunman, sadyang hindi pa oras nito dahil sumabit siya sa mga kable ng kuryente at telcos services na katumbas ng nasa pangalawang palapag ang taas kaya malaki ang nabawas sa impact nang pagbagsak ng biktima sa sementadong kalye. Mabilis na rumesponde ang ambulansya at naisugod sa pagamutan ang pintor. Nawalan naman ng kuryente ang ilang bahagi ng lugar makaraang pumutok ang tranformer dahil sa naapektuhang kable ng sumabit ang biktima.
- Latest


















