^

Probinsiya

21K residente sa Bicol inilikas, 3K stranded sa bagyong Ramil

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines —  Umabot na sa 7,777 pamilya o 21,945 katao ang inilikas sa ligtas na mga lugar sa Kabikolan habang mahigit 3-libong pasahero ang stranded sa iba’tibang pantalan sa buong rehiyon dahil sa bagyong Ramil kahapon.

Sa Albay, simula umaga ay nagkumahog na ang anim na lokal na pamahalaan katuwang ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection, pulis at sandatahang lakas sa ginawang preemptive evacuation sa mga residente na nasa lugar na niraragasa ng lahar, binabaha, landslide at may peligro sa daluyong. Sa buong lalawigan ay naitala ang 4,782 pamilya o 12,677 indibidwal na inilikas mula sa mga bayan ng Daraga, Guinobatan, Jovellar, Malilipot, Libon at Pio Duran. Sa bayan naman ng Baras sa Catanduanes ay nasa 2,957 pamilya, 9,135 katao ang dinala sa mga ­evacuation centers; habang 38 pamilya o133 katao naman mula sa Uson, Masbate.

Samantala, sa datos na inalabas ni Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD)-Bicol, umakyat na sa 3,622 ang bilang ng mga pasahero habang 1,072 ang mga rolling cargoes ang stranded na karamihan ay nakapila sa mga national highways sa labas ng pantalan makaraang hindi makapaglayag ang 30-barko at 9 na maliliit na sasakyang pang-dagat.

Pinakamarami ay sa Matnog Port ng Sorsogon na nasa 1,959 katao at 653 rolling cargoes; 417 pasahero sa Tabaco City Port habang 772-katao at 178 rolling cargoes sa Pio Duran Port sa Albay.

RAMIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with