^

Probinsiya

Panaderya ng tserman niratrat: Anak na kagawad sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Sugatan ang isang kagawad na anak ng isang barangay chairman sa Lamitan City nang ratratin ng M16 assault rifles ng mga ­lalaking sakay ng motorsiklo ang kanilang panaderya sa Barangay Parangbasak sa naturang lungsod nitong umaga ng Sabado.

Sa inisyal na ulat ng Basilan Provincial Police Office kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nakaupo sa labas ng kanilang bakery sa Barangay Parangbasak, Lamitan City si Alcarem Ballaho Muddalan, 30-anyos, nang paputukan ng assault rifles ng mga lalaking sakay ng mga motorsiklo na agad ring nakatakas.

Nagtamo ng tama ng sa kanang braso ang biktima na isang barangay councilor sa Parangbasak.

Ang ama ni Muddalan na si Juddihal Iralan Muddalan, 68-anyos, barangay chairman ng Parangbasak, ay nakaligtas sa naturang pamamaril. Siya ay kilala sa kanyang masigasig na pagsuporta sa mga law-enforcement activities ng mga tropa ng Lamitan City Police sa komunidad na kanyang pinamumunuan bilang tserman.

Ayon kay Lt. Colonel Elmer Solon, hepe ng Lamitan City Police Station, nagtutulungan ang mga residente ng Parangbasak sa pagkilala sa mga bumaril sa kanilang mag-amang barangay councilor at chairman upang agad na masampahan ng kaukulang mga kaso.

SUGATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with