Trike driver inutas ng tandem
MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang tricycle driver matapos na ito ay malapitang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakaupo at nagpapahinga sa kaniyang tricycle sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite, kamakalawa.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si alyas “Michael”, nasa hustong gulang, tricycle driver, residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya,bago naganap ang krimen, alas-7:45 ng umaga ay nakaupo sa driver seat ang biktima sa kanyang tricycle na nakaparada at nagpapahinga nang dumating ang isang motorsiklo na kulay itim na sakay ang 2 lalaki.
Bumaba ang angkas at walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang biktima bago mabilis na tumakas
Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa naganap na pamamaril.
- Latest



















