2 bebot, 1 pang tulak huli sa P680K shabu
CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang dalawang babae at isang lalaki na pawang big-time pusher at nasa high value individual target ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Burol 3, Dasmariñas City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Boss”, “Maria” at “Heart” kapwa nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite PPO, alas-10 ng gabi ng magkasa ng buy-bust operation ang kanilang grupo kasama ang Dasmariñas Police laban sa mga suspek.
Sa Barangay Burol 3 ginanap ang drug deal na ikinaaresto ng mga suspek. Nakumpiska sa mga suspek ang 4- selyadong plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na may timbang na 100 gramo at may halagang P680,000.
Narekober din sa mga suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest

















